Home ENTERTAINMENT JulieVer, naabutan ng bombahan sa Israel!

JulieVer, naabutan ng bombahan sa Israel!

Manila, Philippines – Ligtas na ngang nakauwi ng bansa mula sa Israel sina Julie Ann San

Jose, Rayver Cruz at Boobay nitong October 9, Lunes ng gabi.

They arrived at the Clark International Airport mula Dubai.

Kinailangang ikansela ang kasado na nilang show nitong October 7 dahil nga sa bombahang nagaganap doon.

While there, sa AirBnB sila nag-stay.

SOP pala roon na bawat bahay o establishment ay dapat merong bomb shelter.

Bumagsak ang tatlong Kapuso artists sa bomb shelter na isang cramped room at may dalawang single bed.

Ang naunang pinagpilian nila’y mas maliit na’y nadale pa raw ng bomba, thank God at hindi sila roon tumakbo.

SOP rin daw na pag narinig mo na ang sirena’y dapat nasa bomb shelter ka na sa loob ng isang minuto.

Naranasan daw ni Rayver na nagkataong naliligo siya saka umalingawngaw ang sirena, kaya takbo raw sila agad sa bomb shelter.

Nang medyo humupa na raw ang mga pagsabog ay nakuhang lumabas ang grupo para bumili ng rosaryo sa mall.

Kaso, naabutan sila roon ng pagsabog.

Since ang mga CR daw sa mall ay matibay ang pundasyon ay doon daw muna sila nanatili.

Mga kapwa Pinoy at iba’t ibang lahi raw ang mga kasama nila sa CR.

Tunay ngang ipinag-aadya sina Julie Ann, Rayver at Boobay dahil buti na lang daw ay hindi nakansela ang kanilang flight pauwi ng bansa.

Marami namang realizations ang mga naturang Kapuso stars sa kabila ng kanilang karanasan doon.

Ayon nga kay Julie Ann: “Life is short.”

And if we may add–“God is good!” Ronnie Carrasco III

Previous articlePamilya ni Ellen, nadale ng virus!
Next articlePiolo, nagpakabog ng dibdib sa Mallari!