MANILA, Philippines – Nakatakda nang ilibing ngayong araw, Pebrero 5 ang pinaslang na overseas Filipino worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara.
Ito ang kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio.
Si Ranara ang OFW na ginahasa, pinatay, sinunog at iniwan pa sa disyerto sa Kuwait kung saan ang suspek ay ang 17-anyos na anak ng amo nito.
Ani Ignacio, alas-10 ng umaga ang nakatakdang libing kay Ranara, sa isang pribadong sementeryo sa Las Pinas City.
Kasama sa mga maghahatid sa huling hantungan ay ang mga taga-OWWA habang naka-agapay din ang PNP para magbigay ng seguridad sa nakatakdang libing.
“We are expecting that government officials will be attending the funeral siguro baka by tomorrow we will prepare pur personnel for area security that composed of PNP and local traffic and MMDA ang importante kasi is huwag maantala ang biyahe,” sinabi ni Las Pinas police chief Col. Jaime Santos.
Ani Santos, may mga itatalaga silang pulis mula sa lugar ng lamay hanggang makarating sa sementeryo. RNT/JGC