Home NATIONWIDE June 24 idineklarang special non-working day sa Maynila

June 24 idineklarang special non-working day sa Maynila

MANILA, Philippines – IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Special (Non-Working) Day ang araw ng Lunes, Hunyo 24, 2024 sa Lungsod ng Maynila.

Sa ipinalabas na Proclamation No. 599 na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, na may pahintulot ni Pangulong Marcos, nakasaad dito na sa Hunyo 24, ipagdiriwang ng mga Manileno ang ika-453 Founding Anniversary ng Araw ng Maynila.

Layon ng proklamasyon na bigyan ng buong pagkakataon ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila na magpartisipa sa okasyon at i-enjoy ang naturang selebrasyon.

Samantala, ang Araw ng Maynila ay isang espesyal na holiday sa siyudad ng Maynila, bilang paggunita saarawng pagkakahirang nito bilang kabisera ng Pilipinas.

Sa espesyal na araw na ito, ginugunita rin ang pagkakaroon ng mayaman at makulay nitong nakaraan, lalo na sa ambag nito sa kultura ng bansa. Nagbibigay-pugay rin ito sa mga kumpanya, mga opisyal at mga indibidwal na nakatulong sa pag-unlad ng siyudad.

Ang Maynila ay binubuo ng 16 na distrito: ang Binondo, Ermita, Intramuros, Malate, Paco, Pandacan, Port Area, Quiapo, Sampaloc, San Andres, San Miguel, San Nicolas, Santa Ana, Santa Cruz, Santa Mesa at Tondo. Kris Jose