Home NATIONWIDE ‘Ka Luring’ isinusulong maging Santo

‘Ka Luring’ isinusulong maging Santo

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Diocese of Pasig ang “Cause of Beatification and Canonization” ng katekistang si Laureana “Ka Luring” Franco.

Sa Circular, umapela si Bishop Mylo Hubert Vergara sa mga mananampalataya na lumahok at magbigay ng impormasyon para rito.

“The Diocese of Pasig is proposing a candidate for Sainthood in the person of the Servant of God, Laurena “Ka Luring” Franco of Hagonoy, Taguig City,” anang Obispo.

“With this Circular Letter, I invite all the People of God in the Diocese of Pasig to participate in the tedious process of bringing to light the life and heroic virtues of a legendary catechist to Sainthood. I invite all the faithful to provide me with helpful information regarding the cause of Ka Luring,” dagdag pa niya.

Ang anumang impormasyon, personal man o pribado, kasama ang authenticated documents, ay maaaring ipadala sa chancellor ng Diyosesis na si Father Joeffrey Brian Catuiran, sa Tahanan ng Mabuting Pastol Sta. Clara de Montefalco Compound, C. Raymundo Avenue, Caniogan, Pasig City o sa telepono numero 02-8643-9325.

Ani Vergara, ang edict ay inilathala nitong Pebrero 24, kung saan si Erickson Javier, Doctor of Ministry, ay lehitimong pinangalanan bilang Postulator of the Causes of Beatification and Canonization of the Servant of God.

Sinabi ni Javier na sinulatan siya na humihiling na buksan ang proseso ng beatification para kay Ka Luring.

“With the publication of the edict, herewith attached, is the start of our opening of the Process as required by the Dicastery for the Causes of Saints,” aniya.

Si Franco ay isinilang noong Hulyo 4, 1936 at namatay noong 2011. Siya ay lumahok sa Legion of Mary bilang deboto at nagturo ng katekesis sa mga estudyante ng pampublikong paaralan.

Ginawaran siya ng Pro Ecclesia et Pontifice (For Church and Pope) mula kay Saint John Paul II noong Abril 1, 1990 dahil sa kanyang exemplary service bilang lay catechist, sa rekomendasyon na rin ni yumaong si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Noong 2002, nakatanggap din siya ng Mother Teresa Award. RNT/JGC

Previous articleIlang gov’t hospitals inihahanda ng NKTI bilang renal centers
Next articleNPA sinupalpal sa pagkamatay ng Bar passer sa Bohol