Home OPINION KABATAAN PATULOY NA BABANTAYAN

KABATAAN PATULOY NA BABANTAYAN

PINAIGTING ng Philippine National Police ang tinatawag nitong Revitalize Pulis sa Barangay Program para bantayan ang bayan sa anomang pagtatangka sa ating mga buhay  lalo na sa mga kabataan.

Sari-saring pakikipag-ugnayan ang ginagawa ng PNP sa mga barangay kahit na sa kanayunan para lamang makapagbigay kaalaman sa ating mga kababayan na dapat ay magkakatuwang  sa pagbabantay.

Ang sabi ko nga, bakit ‘di pa natin tawagin itong Revitalized Pulis sa Bagong Pilipinas Program na kamakailan lamang ay inilunsad ng Administrasyong Marcos?

Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa bansa at mga kabataan na lagi nating sinasabing pag-asa ng bayan.

Katuwang ng PNP ang ating  mga sundalo sa pagbibigay kaalaman para sa ating mga kababayan.

Gaya na lamang ng ginagawa ng 71IB Kaibigan troopers sa Charlie Company na nagsasagawa ng ‘information and awareness drive’ sa 150 mag-aaral ng senior high school kasama na rin ang ang mga guro ng Bocboc East National High School sa Barangay Bocboc East, Aguilar, Pangasinan.

Ang nasabing info drive ay ay sa pakikipagtulungan na rin ng Aguilar Municipal Police Station, na pangunahing layunin ay maiangat ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral doon sa iba’t ibang isyu at ambang panganib sa mga kabataang ito na itinuturing ng ating mga kawal at pulis na may epekto sa kanilang  kinabukasan.

Tinatalakay sa nasabing programa ng Kaibigan troopers at PNP personnel ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagbuo ng bansa at ang adhikain ng Bagong Pilipinas.

Bukod sa pagtuturo sa pag-iwas sa Komunistang-Terorista, ginagabayan din ang kabataan sa pag-iwas sa droga. Maging ang Anti-Rape Law ay kasama sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga kabataan, maging babae o lalaki.

At ang isa sa magagandang tinatalakay ay kung paano maging tagapagtanggol ng bayan – pulis o sundalo.

Sa ganyang programa, nakatitiyak tayong lahat na umusad ang ating mga kabuhayan sa tinatawag na Bagong Pilipinas.

Previous articleSSS NAGTALA NG “RECORD HIGH” NET INCOME NOONG TAONG 2023
Next articleCOLOR GAMES SA PERYAHAN DAPAT I-BAN