Home NATIONWIDE Kabayanihan ng SAF 44 inalala ni VP Sara

Kabayanihan ng SAF 44 inalala ni VP Sara

MANILA, Philippines- Kinilala ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes ang sakripisyo ng 44 Special Action Force (SAF) commandos, na binanggit ang kanilang “gallantry as a true benchmark of heroism for every Filipino to emulate.”

Sa kanyang pahayag sa National Remembrance of the Heroic Sacrifice ng SAF44, binigyang-pugay ni Duterte ang mga bayani “who fearlessly prioritized duty and freedom above all else.”

Kinilala niya ang legasiya ng SAF44, na aniya’y nagpakita ng “unparalleled dedication, selflessness, and an unwavering love for our cherished nation and its people.”

“Our hearts extend a salute to the Fallen 44 and all our esteemed police forces. We shall forever draw inspiration from the sacrifices you made to safeguard the honor and liberty of our nation, shielding our fellow Filipinos from the threats and consequences of terrorism,” wika ni Duterte.

“As we move forward, we carry with us the indelible acts of bravery etched in the annals of our history. Their gallantry serves as a true benchmark of heroism for every Filipino to emulate,” patuloy niya.

Hinikayat naman niya ang publiko na magkaisa sa paggunita sa kabayanihan ng mga miyembro ng SAF 44, maging kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

“Though their victory was bittersweet, it ignited within us a flame of determination to forge more dignified paths towards sustainable peace,” ani Duterte.

Nasawi ang SAF44 noong January 2015 sa isang misyon upang hulihin ang Malaysian terrorist at bomb-maker na si Zulkifli Abdhir sa Mamasapano, Maguindanao.

Bukod sa 44 commandos, nasa 18 Moro Islamic Liberation Front rebels, at pitong ibilyan ang nasawi sa sagupaan.

“We pledge to never forget. Together, we march onward, united by the spirit of resilience, unwavering in our pursuit of a peaceful and prosperous Philippines,” giit ni Duterte. RNT/SA

Previous articleBayan abswelto sa reklamo sa effigy-burning
Next articleP2B inaasahang matitipid mula sa gov’t energy conservation program