MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na hindi na magkanda-ugaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga imbitasyong natatanggap mula sa iba’t ibang bansa.
“President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. has been receiving so many invitations from other countries, it has become a “problem”. But it’s a good problem to have, giit pa ni Romualdez.
Sa panayam sa speaker nang ito ay nasa Malaysia pa kasama ng delegasyon ng Pilipinas para sa state visit ni PBBM, sinabi nito na ganito aniya ka-popular ang Pangulo sa international stage.
“Yun ang problema dito. And daming invitation, kasi nakikita niyo ang dami…They find him so statesman-like,” ayon kay Romualdez.
Ngunit ito aniya ay maituturing na magandang senyales hindi lamang para sa liderato ng administrasyon kundi sa buong bansa.
“Malaking problema… so that’s a good sign. Wow, of course there’s the APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) in November. But I know there’s anumber of invitations.”
Sinabi pa ni Romualdez na meron pang imbitasyon ang Pangulo mula naman sa Brunei na sa ngayon ay iniatas na sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang kumpirmasyon.
“But yun ang problema sa kaniya kung baga very, very ano, very popular si PBBM dito. Nakita ng lahat napakadali kausap, napaka ayos kausap.” Meliza Maluntag