Kabilang ang menor… 3 katao arestado sa P167K shabu

Kabilang ang menor… 3 katao arestado sa P167K shabu

March 18, 2020 @ 5:53 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Navotas City – Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang menor-de-edad  matapos makumpiskahan ng mahigit sa P167,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis, Martes (Marso 17) ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga  suspek na sina Leonilo Orzal, 51, ng Langaray St. Caloocan city, John Francis Goli, 25, ng A. Santiago St. Brgy. Sipac-Almasin at ang 17-anyos na binatilyo.

 

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PCpl Catherine Buella, alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Balasabas sa Market 3, Brgy. NBBN kontra sa mga suspek.

 

Matapos tanggapin ng isa sa mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu, agad inaresto ang mga ito ng mga operatiba.

 

Makaraang kapkapan dito nakuha  sa mga suspek ang nasa 24.7 gramo ng shabu na tinatayang nasa P167,960 standard drug price, buy-bust money at P1,000 cash.

 

Dinala ang menor-de-edad sa Bahay Pag-asa, City Welfare and Development Services habang ang dalawang suspek ay nakakulong ngayon sa detention cell ng Navotas City Police. Roger Panizal

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...