Home OPINION KABOBOHAN AT CASTRO VS. INDAY SARA

KABOBOHAN AT CASTRO VS. INDAY SARA

SA sarbey ng Program for International Student Assessment  noong 2018, pinakabobo ang mga Pinoy sa lahat ng mga estudyante na edad 15 o Grade 10 mula sa 79-81 bansa sa mga subject na math, reading at science.

Sa sarbey na ginawa noong Hulyo 26-Setyembre 16, 2022 na sinalihan ng 7,193 estudyante mula sa 188 eskwela, umangat nang bahagya ang mga Pinoy ngunit kabilang pa rin sila sa mga pinakakulelat.

Heto ang rekord: Sa math, 16% lang sa 7,193 ang nakaaalam kung paano magsolb ng problema sa math nang walang coaching nina mam at sir at cheating at malayo sa katamtamang 69% sa nakararaming estudyante sa ibang bansa.

Sa reading, nasa 24% lang din ang nakatutumbok ng sentro ng artikulo na binabasa samantalang 74% sa iba ang katamtaman.

Sa science, 23% lang ang may kakayahang magpaliwanag sa nagaganap sa usaping pang-siyensya kumpara sa 76% katamtamang rekord sa ibang bansa.

Dahil dito, sa halip na magkaisa sa paglulunsad ng mga remedyo sa problema, ‘yang manisi ang ginagawa ng iba gaya ng pagpapabitiw kay Vice President Sara Duterte bilang Secretary ng Department of Education.

Si ACT Partylist Representative France Castro ang nagpapabitiw kay Inday Sara dahil hindi umano ito teacher at dapat teacher na katulad ni Castro ang humawak sa DepEd.

Ang tanong kay Castro, ilang teacher na ba ang naging DepEd Secretary at naging matagumpay ba sila?

Natatandaan natin si dating Education Sec. Lourdes Quisumbing na umupo noong 1986-1989 at si dating Education Secretary Leonor Briones noong 2016-2022 at marami pa ang nasa pagitan ng mga ito.

Itong si Briones ang dapat pinagbitiw ni Castro dahil ito ang naabutan ng PISA o kaya naman ang mga naunang kalihim at hindi si Inday Sara na bago pa lang na kalihim.

Sa halip na ipagpilitan ni Castro si Inday Sara na magbitiw, hindi kaya mas magandang sabayan ni Castro si Inday Sara sa pagtuturo para malaman kung sino sa kanila ang mas magaling na guro at kung ganoon, kung sino ang mas magaling sa paghawak ng tungkulin bilang DepEd Secretary?

Sa gitna nang pagpapausok ni Castro para lang mawala sa pwesto si Inday Sara, saludo tayo sa paninindigan ni House Committee on Basic Education and Culture Roman Romulo na reporma ang kailangan, hindi ang pagbibitiw ni Inday Sara bilang DepEd Secretary.

 

Previous articleGADON LAUDS DSWD FOR REINSTATING 700K 4Ps FAMILIES
Next articleAmihan magdadala ng mahinang pag-ulan sa North Luzon