PITOGO, Quezon – Arestado ng pulisya ang isang barangay kagawad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cabulihan dito, Huwebes ng hapon, Setyembre 21.
Kinilala ang suspek na si Cezar Generale, 42, kagawad ng Barangay Cabulihan at kinokonsiderang high-value individual (HVI).
Nakuha kay Generale ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200 ang halaga.
Nakakulong siya sa Pitogo police station at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT