Home METRO Kagawad, kalaguyong senior huli sa akto!

Kagawad, kalaguyong senior huli sa akto!

LAPU-LAPU CITY, Cebu- Nakaamba ang kasong adultery sa isang barangay kagawad at kanyang kalaguyo na nahuli sa isang motel sa Mandaue City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Carl Nelson Arnoco, 41, residente ng Tawason, Mandaue City, at Gilda Cadungog Labares, 60, residente ng Barangay Camputhaw, Cebu City.

Sinasabing isang barangay kagawad si Arnoco sa Brgy. Luz sa in Cebu City.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaue City Police Station 4, personal na nagtungo ang asawa ni Arnoco sa kanilang istasyon upang humingi ng tulong, matapos makita ang kanyang asawang pumasok sa isang motel nitong Biyernes ng gabi.

Agad na rumesponde ang mga pulis na namataan ang mga suspek sa loob ng isang silid sa motel.

Naaresto ang mga suspek at kasalukuyang nakaditene.

Posible silang kasuhan ng adultery, ayon sa mga awtoridad. RNT/SA

Previous article3 tulak timbog sa P1M shabu
Next article2 laglag sa higit P7.1M shabu