Home METRO Kagawad na tumatakbong kapitan, nahulihan ng droga

Kagawad na tumatakbong kapitan, nahulihan ng droga

LAOAG CITY- Arestado ang barangay kagawad na tumatakbong barangay chairman sa darating na Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang search operation ng mga awtoridad nitong Biyernes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na si Wendell Tamayo, may asawa, nasa drug watchlist ng Philippine National Police at residente ng Barangay 4, Laoag City.

Sa pinagsamang operasyon ng Laoag PNP, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Drug Enforcement Agency, nakuha sa cabinet ng suspek ang 10 sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang glass tube tooter at isang maliit na sachet na naglalaman umano ng dried marijuana leaves.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa tamang disposisyon.

Mariing itinanggi ni Tamayo ang akusasyon laban sa kanya. Mary Anne Sapico

Previous articleLamayan binaha ng dugo; ex-OFW patay sa pamamaril
Next articleTeenager binaunan ng bala sa ulo