Home METRO Kagawad patay sa pananaksak

Kagawad patay sa pananaksak

MANILA, Philippines- Patay na nang matagpuan ang isang barangay kagawad, isa ring lokal na dentista, na mayroong ilang saksak sa kanyang katawan sa Calapan City, Oriental Mindoro, nitong Linggo, ayon sa mga pulis.

Kinilala ni Police Captain Ann Michelle Selda, ng Oriental Mindoro Police Provincial Office, ang 63-anyos na biktimang si Dr. Augustine Bolor Jr., na nadiskubre ng kapatid niyang si Cristeta Magundayao ang kanyang bangkay dakong alas-8:30 ng umaga sa loob ng kanyang dental clinic sa Barangay San Vicente Central, Calapan City.

“May indication po ng commotion, so ang initial na tinitignan na motive ng ating investigators ay pagnakaw,” pahayag ni Selda sa isang phone interview.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa nila natutukoy kung ilang saksak ang natamo ni Bolor, at inihayag na iniimbestigahan pa nila ang kaso at motibo sa krimen.

Bukod sa pagsisilbi bilang barangay councilor, napag-alaman sa mga nakaraang ulat na tinangkang kumandidato ni Bolor sa 2010 elections subalit nadiskwalipika at idineklarang “nuisance candidate” ng Commission on Elections. RNT/SA

Previous articleKapalaran  ng Israeli hostages malalaman na
Next articleSan Juan River ininspeksyon ng gov’t agencies, LGU