Home METRO Kagawad timbog sa buy-bust!

Kagawad timbog sa buy-bust!

ILOILO CITY- Arestado ang isang konsehal ng barangay at nasabat ang P346,800 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Concepcion, Iloilo nitong Pebrero 23.

Kinilala ng Iloilo Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (IPPO-PDEU) ang suspek na si Oriel Navarro, 41-anyos.

Nadakip si Navarro matapos magbenta ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,500 sa isang police poseur-buyer.

Nakuhanan ang suspek ng kabuuang 52 gramo ng shabu.

Ani Police Major Rolando Araño, IPPO spokesperson, kilala si Navarro bilang supplier sa Concepcion at kumukuha umano ng droga mula sa bayan ng Estancia.

“I commend the tireless efforts of the police personnel involved in this operation. We remain steadfast in our commitment to upholding the rule of law and protecting our communities from the scourge of drugs,” pahayag naman ni Police Brig. Gen. Jack Wanky, Police Regional Office-6 director.

Tumulong din ang 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company at ang Concepcion Municipal Police Station sa operasyon. RNT/SA

Previous articleLianne, aminadong pinagpalit ng ex sa iba!
Next articlePBBM: Politika dapat paglilingkod sa bayan ‘di sa partido lang