Home NATIONWIDE Kahit kumapit sa ibang bansa, Pinas ‘di aatrasan ng Tsina sa WPS...

Kahit kumapit sa ibang bansa, Pinas ‘di aatrasan ng Tsina sa WPS – opisyal

MANILA, Philippines- Inihayag ng China na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang bantayan ang territorial sovereignty sa South China Sea at ang pagsisikap ng Pilipinas na humingi ng suporta sa paggiit ng soberanya sa West Philippine Sea “will take the toll.”

Sinabi ito ni Wang Wenbin, spokesman ng China’s Foreign Ministry, sa pagpapaigting ng kooperasyon sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan upang pairalin ang rule of law sa gitna ng sigalot sa South China Sea, kabilang ang patuloy na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.

“China will not weaken in its resolve to safeguard its territorial sovereignty and maritime rights and interests,” ani Wang sa kanyang Monday briefing.

“We hope the Philippines will realize that tying itself to some major power and forcing China to back down on issues concerning China’s core interests will lead nowhere. Ultimately, it is the Philippines’ own interests and the region’s peace and stability that will take the toll,” patuloy niya.

Matapos sabihin ni Pangulong Marcos na na nagsisilbing hamon ang mas agresibong China sa mga kalapit-bansa nito, sinabi ni Wang na ang Pilipinas ang nagsisimula ng tensyon at tinatangkang baguhin ang status quo sa rehiyon.

“Over the past few months, it has been the Philippines who is breaching the common understandings with China and heightening tensions in the South China Sea; it is the Philippines who has attempted to change the current status of Ren’ai Jiao and make it a fait accompli,” anang opisyal.

“And it is the Philippines who has on every occasion courted external forces to put pressure on China,” dagdag niya.

Iginiit ni Wang na “nothing will change” sa umano’y katotohanan, kahit ano pang gamiting “smokescreen” ng Pilipinas.

“Over the course of this year, the Philippines has gone back on its words and kept sending government and military vessels into the waters of Ren’ai Jiao to supply construction materials for the large-scale repair and reinforcement of the ‘grounded’ warship and permanently occupy Ren’ai Jiao,” ayon kay Wang.

“The Philippines, bolstered by external support, has brushed aside China’s goodwill and restraint and repeatedly challenged China’s principles and red line,” aniya pa.

“China remains committed to upholding peace and stability in the South China Sea through dialogue and consultation with the Philippines and other ASEAN countries,” wika pa niya. RNT/SA

Previous articlePH palit-istratehiya vs Chinese aggression
Next articleHigit 14K Navoteños binigyan ng hamon