Home ENTERTAINMENT ‘Kainan’ issue pinagkakitaan ni Herlene

‘Kainan’ issue pinagkakitaan ni Herlene

Manila, Philippines- Multi-talented na ngang masasabi si Herlene Budol.

Hindi lang kasi siya nalilinya sa akting.

Pretty soon ay magiging isa na rin siyang ganap na recording artist.

Sa katunayan, Herlene is taking up voice lessons to prepare her sa pagre-record ng kanyang first ever single titled Kain Tayo.

Sounds familiar ba?

Kung ‘di ba naman, obyus that the song title is capitalizing on Herlene’s issue involving her and former leading man Rob Gomez.

Hindi nga ba’t nag-leak ang “malaswang convo” nila na may mention ng “kainin kita” –bagay na pinalagan ni Herlene?

Because of her foray into music kung kaya’t naglipana ang mga bashers ni Herlene.

Kesyo hindi na raw ito kinilabutan dahil sa umano’y atraso nito sa estranged partner ni Rob na si Shaira Rebortera.

Dapat daw ay itaguyod ni Herlene ang mga karapatan ng kapwa niya babae.

Worse, antayin na lang daw ng komedyana ang hagupit ng karma.

May mga dumepensa naman kay Herlene sa konteksto ng karma.

Hindi raw si Herlene ang dapat makarma kundi ang taong mismong nag-upload ng naturang convo.

And as far as Rob is concerned ay si

Shaira ‘yon na kinuha raw ang kanyang mobile phone nang walang pahintulot niya.

Sa bandang huli, si Herlene pa ang “winner” sa issue!

FYI ay nagkaroon na rin ng unofficial single si Herlene noon na Talikodgenic Man Ako. Ronnie Carrasco III

Previous articleBarbie, wapakels sa isyu nina Jak at Ave!
Next articleUge, aminadong tuyot na!