Home ENTERTAINMENT Kakai, pinayuhang maghanap ng boylet sa Europe, bumuwelta!

Kakai, pinayuhang maghanap ng boylet sa Europe, bumuwelta!

Manila, Philippines- Tila minamasama pa ni Kakai Bautista ang mungkahi ng ibang tao sa kanyang European trip.

Kakai finds time to travel a lot kung hindi rin lang siya busy with her showbiz commitments.

Just recently, bilang regalo sa sarili on her 45th birthday, nagpakasarap ang singer-comedienne sa Europe.

Inikot niya ang Spain, Czech Republic, Austria at Hungary.

Dahil dito’y inulan siya ng mga suhestyon mula sa mga kakilala and strangers alike na maghanap doon ng magiging nobyo o asawa.

Sa halip na tinanggap ni Kakai ang advice ng mga ito’y nilinaw niyang never daw niyang naging pakay ang maghanap ng lalaki everytime she travels.

Mas gusto raw niyang namnamin ang iba’t ibang kultura ng mga bansang pinupuntahan niya.

At dahil pinagpaguran naman daw niya ang kanyang kinikita, Kakai says she deserves to pamper herself.

Malinaw na sabi niya: “My life, my rules. My romance, my time!”

Wala raw sinuman ang makakapagdikta sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin with her lovelife.

May himig pagmamalaki pang sabi ni Kakai: “Marami sa totoo lang ang naa-attract sa ganda ko…chareeeeng!”

Hayaan na lang daw siya ng mga netizens to enjoy her foreign trips kesa ipagduldulan sa kanya na maghanap ng makakarelasyon sa mga bansang pinupuntahan niya. Ronnie Carrasco III

Previous articlePapel ni Duterte sa NTF-ELCAC dapat ding ikonsidera sa confidential funds – Tolentino
Next articlePhilHealth hackers maaaring makulong ‘gang 20 taon