Home METRO Kakandidatong barangay captain sugatan sa pamamaril

Kakandidatong barangay captain sugatan sa pamamaril

473
0

TACLOBAN CITY- Sugatan sa pamamaril ang isang barangay kagawad na kakandidatong barangay chairman sa barangay and Sangguniang Kabataan elections sa sunod na buwan, sa Sitio Naga, Barangay Consuegra, Leyte, Leyte nitong Huwebes.

Kinilala ni Police Capt. Rush Alvarado, Leyte, Leyte municipal police station chief, ang biktima na si Junie dela Peña, 51, residente ng Barangay Tag-abaca, Leyte, Leyte.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima, tumatakbong barangay chairman ng Barangay Tag-abaca, patungo sa Barangay Tag-abaca sakay ang pasaherong si Rosalia Gondong.

Bigla umanong lumitaw sa likod ng center cab na sinasakyan ng kagawad ang mga suspek, pagsapit sa Sitio Naga sakay ng truck.

Inunahan ng truck ang center cab at dalawang pasaherong sakay ng itim na jacket ang nagpaputok kay dela Peña na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Dinala siya sa ospital sa Ormoc City at kasalukuyang nakikipaglaban para sa kanyang buhay. RNT/SA

Previous articleKandidato sa BSKE patay sa pamamaril
Next articleFood security, karagdagang commercial flights tinalakay nina Marcos, Cambodian PM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here