Home NATIONWIDE Kakulangan ng medical facilities sa top tourist destinations, iimbestigahan sa Senado

Kakulangan ng medical facilities sa top tourist destinations, iimbestigahan sa Senado

MANILA, Philippines – Inihain ang resolusyon sa Senado na humihimok sa nararapat na komite na maglunsad ng imbestigasyon dahil sa kakulangan ng medical facilities at health professionals sa top tourist destinations ng bansa.

Sa inihaing Senate Resolution 93, layon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na lumikha ng batas upang masiguro ang easy access sa sapat na medical services sa lahat ng tourist spots sa bansa.

“Ensuring access to adequate health and medical services in tourist destinations should go hand-in-hand with our country’s efforts to promote and develop our tourism industry. As such, it is important to study and identify the issues and address the gaps to come up with further solutions,” saad sa resolusyon ni Zubiri.

Bagama’t gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan para rito, sinabi ng Senate leader na “access to adequate medical care and well-equipped hospitals in tourist destinations remains a problem, with health and safety still among the main concerns of tourists travelling to the Philippines.”

Naihayag ang problemang ito sa pagpupulong ng foreign consular offices na nangungunang sanhi para madismaya ang mga turista sa bansa.

Sa resolusyon, binanggit ni Zubiri ang mga insidente sa Palawan noong 2015 at Siargao noong 2018, kung saan bigong makapagbigay ng nararapat na ambulansya, medical facilities at first aid ang mga nabanggit na lugar sa mga turistang nangailangan ng tulong. RNT/JGC

Previous articlePrime suspect sa kaso ni Catherine Camilon ‘di dumalo sa Senate probe, buntis na asawa idinahilan
Next articleDaniel, ligwak sa fastfood chain ad?