Home OPINION KAKULANGAN SA BIGAS GAWAN NG PARAAN

KAKULANGAN SA BIGAS GAWAN NG PARAAN

ANG mga Pinoy, kapag napupunta sila sa ibang bansang walang gaanong nagtitinda ng kanin, naglalaway sila sa kanin kapag umabot na sila ng isang linggo at higit pa roon.

Nagaganap ito, halimbawa, sa Europa.

Kahit saan ka pumunta na restoran, walang kanin.

Puro pitsa, pasta, wheat, tinapay na pinalalamnan ng itlog, karne, gulay at iba pa.

Swerte mo kapag may mga Pinoy na tatanggap sa iyo.

Doon, may kanin sa almusal, tanghalian at hapunan.

Ganu’n na lang kahalaga ang bigas na kapag niluto mo’y kanin ang tawag para sa mga Pinoy.

Mula kasi sa pagka-baby na ‘am’ ang nilalaklak, kanin na talaga nilakhang pangunahing pagkain ng Pinoy.

Solb ka na kahit asin o bagoong con kalamnsi o suka ang ulam bilang dyowa ng kanin.

ANG KONSUMO

Bawat araw, may konsumo tayong Pinoy na 36,000 metriko tonelada o 36 milyong kilo o 720,000 kaban.

At sa isang buwan, halos 1.10  milyong tonelada sa loob ng isang buwan o naglalaro sa 13 milyong tonelada sa loob ng isang taon.

Sa rami ba naman ng Pinoy na nasa 112 milyon na umano sa katapusan ng taon.

PINAKAMALAKING IMPORTER

Sa kwenta ng United States Department of Agriculture, pinakamalaking tagaangkat o importer ang Pilipinas ng bigas.

Sumusunod ang mga bansang China at Indonesia bagama’t higit na malaki ang kanilang populasyon.

Ang China, may populasyong 1.412 bilyon habang higit sa doble sa Pinas ang sa Indonesia sa bilang na 277.5 milyon

Bagama’t mas maliit ang mamamayan natin, nag-aangkat tayo ng bigas ng higit sa inaangkat ng China at Indonesia na naglalaro sa 2.7 milyong tonelada kada taon, kumpara sa 3.8 milyon ng Pinas para sa taong ito.

Malaki kasi ang produksyon ng China sa bigas at sadyang inilalaan para rito ang 30 milyong ektarya bilang palayan.

Katumbas ito ng buong lupain ng mahal kong Pinas na nasa 30 milyong ektarya rin.

Naglalaan namang ng mahigit 10 milyong ektarya ang Indonesia.

Tayo naman, may natitirang nasa 5 milyong ektaryang palayan pero ang masakit, nasa 2 milyon lang ang may irigasyon habang ‘wa pa sa nasa 3 milyong ektarya.

Nakapagtataka lang na hindi ito pinagtuunan ng pansin ng halos lahat ng nakarang administrasyon.

O kung pinagtuunan man, may halong mga milagro na alam na ng lahat.

MGA GAGAWIN?

Ano-ano ba talaga ang gagawin para magkaroon tayo ng sapat na produksyon ng bigas, kahit lumalaki ang ating populasyon at hindi angkat nang angkat ngunit napakamahal naman?

Ayon kay Department of Agriculture Tiu Laurel Jr., bigtime na irrigation projects ang kailangan at hindi mga ismol taym.

Ito’y para matugunan ang pangangailangan ng milyones na ektaryang palayan sa buong bansa.

Susubaybayan natin ‘yan, Sir, at sanay magtagumpay ang Pinas diyan.

Previous articleEXCESSIVE RANK POSITIONS WITHIN THE PNP 
Next articleP68M lotto jackpots ‘di natumbok