Home HOME BANNER STORY Kalahating bilyong lotto jackpot ‘di pa rin napapanalunan

Kalahating bilyong lotto jackpot ‘di pa rin napapanalunan

MANILA, Philippines – Dalawang araw bago ang Pasko, hindi pa rin napananalunan ang kalahating bilyong lotto jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Base sa resulta ng lotto draw noong Disyembre 23, walang nakahula nang tama sa winning digit combination para sa Grand Lotto 6/55 ng 25-21-07-49-32-22, na may jackpot prize na P542,209,191.20.

Gayunpaman, 27 bettor ang nanalo sa ikalawang gantimpala at tatanggap ng P100,000, habang 1,879 na manlalaro ay makakatanggap ng tig-P1,500 bilang ikatlong gantimpala.

Ang Grand Lotto draw ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.

Samantala, wala ring nanalo ng jackpot para sa Lotto 6/42 na may jackpot prize na P30,012,060.40.

Ang winning digit combination ay 33-11-38-37-32-06.

Gayunpaman, 29 na mananaya ang bawat isa ay makakatanggap ng P24,000 para sa ikalawang premyo, at 1,258 na manlalaro ay makakatanggap ng tig-P800 para sa ikatlong premyo.

Ang Lotto 6/42 draw ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT

Previous articleSurigao del Sur niyanig muli ng M-5.5 na lindol
Next articleCOVID-19 positivity rate sa NCR sumirit, pagkalat sa mga lalawigan posible – OCTA