Home METRO Kalansay nahukay sa kapitolyo ng Nueva Vizcaya

Kalansay nahukay sa kapitolyo ng Nueva Vizcaya

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Nahukay sa Provincial Capitol ng Nueva Vizcaya ang mga buto ng tao sa construction site ng bagong Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Building ground sa naturang bayan.

Una rito, kasalukuyan ang paghuhukay  para sa construction nang matuklasan ng mga construction worker ang mga buto ng tao.

Sa paglalarawan sa mga nadiskubreng buto ay may ilang bahagi nito tulad ng rib cage at bungo, at sa ngayon ay isinasailalim na ito sa pagsisiyasat upang malaman kung ito ay mula sa babae o lalaki at kung gaano na ito katagal naroon.

Samantala napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahukay na buto ng tao sa capitol ground ng nasabing probinsya. Rey Velasco

Previous articleKarnaper tiklo sa Las Pinas
Next articleChinese bebot niromansa ng gulpi, ninakawan