Home METRO Kalansay ng nawawalang lalaki natagpuan sa Negros

Kalansay ng nawawalang lalaki natagpuan sa Negros

MANILA, Philippines – Natagpuan ang kalansay ng 27-anyos na lalaking tatlong linggo nang pinaghahanap, sa
Sitio Bomba, Barangay Calampisawan, Calatrava, Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rene Pentecostes, driver at residente ng Dumarao, Capiz.

Ayon kay Police Major Ronald Santillan, Calatrava police chief, isang 50-anyos na lalaki ay nagpapastol ng kanyang kalabaw nang madiskubre ang masangsang na amoy sa lugar.

Ani Santillan, ang biktima na nasa probinsya upang bisitahin ang kasintahan, ay huling nakitang buhay noong Enero 2 bago umalis sa isang inuman.

Inakala ng girlfriend nito na nakauwi na ng Capiz ang biktima nang hindi nagsasabi sa kanya, ngunit nalaman na hindi ito nakauwi nang nasabing araw.

Ilang araw pa ang nakalipas, nakipag-ugnayan na sakanya ang pamilya ng biktima at sinabing hindi na rin ito makontak ng kapamilya.

Doon na nila nakumpirmang nawawala nga ang biktima.

Isasailalim sa autopsy ang katawan ng biktima upang malaman kung paano ito namatay. RNT/JGC

Previous articlePaslit nilamon ng ilog
Next articleSalceda muling hinirang na ‘advisor for int’l affairs’ ng Incheon