Home NATIONWIDE Kalidad at kilalang produkto, mas pinamura sa Puregold

Kalidad at kilalang produkto, mas pinamura sa Puregold

Manila, Philippines-Labis na ikinatuwa ng mga netizen ang anunsyo ng Puregold na mas pinababa ang presyo ng mga bilihin sa kanilang Facebook page.

Sa pagsasaliksik ng pahayagang ito, marami ang nagsabi na malaking tulong ang diskuwento sa pagba-budget ng gastusin at pandagdag-kita sa paninda.

Ipinahayag din ng mga netizen na hindi na nila kailangang magtiis sa mga brand na hindi kilala dahil quality pa rin ang hinahangad nila.

“Sa totoo lang, mahirap mag-try ng iba lalo na ‘pag ‘di kilala o ‘di alam kung saan galing,” sabi ng isang netizen.

“Iba rin kasi talaga ‘pag trusted at kilalang brand. Tiwala ka sa quality, eh,” pagsang-ayon ng isa.

Marami ring mga Ka-Asenso ang natuwa sa posibleng dagdag sa kanilang kita.

“Kahit papaano, ‘yung madi-discount ko, ito na rin ang ipapatong ko sa paninda,” at “Malaking tulong iyan sa puhunan para sa katulad kong tindera,” ayon sa isa pa.

Kabilang sa mga premyadong produkto na mas pinababa ang presyo sa Puregold ay ang paboritong grocery staples katulad ng cheese, chocolate drink, condensed milk, dishwashing liquid, at baby diapers.

Sa rami ng sangayo nito sa Kamaynilaan at mga lalawigan sa buong bansa, hinihikayat nila ang kanilang mga Aling Puring member at mga sari-sari store owners na mamili upang makasigurong dekalidad na produkto ang paninda at magkaroon ng mas malaking tutubuin. RNT

Previous articleLotto gustong ipasuspinde sa Senado
Next articleLotto Draw Result as of | January 27, 2024