Home METRO ‘Kaltas-ayuda’ sa Cagayan de Oro City iimbestigahan ng DSWD

‘Kaltas-ayuda’ sa Cagayan de Oro City iimbestigahan ng DSWD

MANILA, Philippines- Inihayag ng isang opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes na iimbestigahan ng ahensya ang panibagong ulat ng pagkaltas ng ayuda, sa pagkakataong ito ay sa Cagayan de Oro City.

Sa pinakabagong kaso, kinaltasan umano ng coordinator ng P9,300 ang P10,000 financial assistance na nakalaan para sa tatlong benepisyaryo, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

“Firstly, it is important that we get the details of the incident so we can make the necessary investigation. Secondly, we treat this again as an isolated case because there’s only one complainant pertaining to the issue. Of course, we cannot generalize that this is happening in the entire region. But then again, as I have said, we will do the corresponding investigation,” pahayag ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao.

Aniya, pangungunahan ng Field Office ng DSWD sa Northern Mindanao ang imbestigasyon at titiyaking matutugunan ang isyu.

Inulit ni Dumlao ang babala ng ahensya laban sa mga indibidwal na tatangkaing kaltasan ang tulong sa mga benepisyaryo sa AICS program nito.

“We will make sure that the appropriate charges will be filed against the individual who is found to commit the withholding of assistance,” giit ng opisyal.

Binanggit din ni Dumlao ang aksyong isinagawa ng ahensya sa parehong kaso sa Davao Region.

Noong Hunyo 10, inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang regional director ng DSWD Field Office 11 (Davao Region) na pangasiwaan ang paghahain ng kaso laban sa isang barangay official na umano’y binawasan ng P8,500 ang P10,000 aid package para sa isang buntis. RNT/SA