MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas na Kalye Pag-ibig na matatagpuan sa City Walk and Amphitheater, C4 Road, tampok ang unang episode ng Navo Negosyo Knowledge kung saan nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo sina Mr. Greg Romero ng Gretag Flowershop, Mr. Lucio Romelito ng Rommel Store, at Ms. Maricel Panganiban ng Mhieeloves Kitchen. Nagkaroon din ng special performances ng Spoken Word Poetry at song numbers mula sa mga piling kabataang Navoteño.
Bukas ito mula alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi araw-araw hanggang February 14, para sa Valentine’s date kung saan 26 Navoteño small businesses ang maaaring pagpilian para sa pagkain, inumin at Valentine’s gifts. Jojo Rabulan