Manila, Philippines – Tuloy ang trabaho ng mga mambabatas sa kabila ng mga napapaulat na iringan sa liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso.
“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud. The House cannot be distracted from finding legislative solutions to issues that affect the lives of ordinary Filipinos. Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House of Representatives, remain focused on more urgent matters,” pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Aniya ang tuluy-tuloy na pagtatrabaho ng mga mambabatas ang siyang nagresulta upang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang may 29 sa may 42 panukalang batas na kabilang sa legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“The House of the People is in order. This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos, Jr.”
Kabilang sa mga panukalang ito ang pagpapawalang-bisa sa pagkakautang ng mga agrarian reform beneficiaries (ARB), ang pagtatayo ng mga specialty centers sa mga lalawigan tulad ng Lung at Heart Centers na nasa Maynila lamang sa ngayon, maging ang Magna Carta bills na poprotekta sa karapatan ng mga Barangay Health Workers at Seafarers.
Panawagan ni Romualdez na ang Uniteam na bahagi ng liderato ng Kamara ay dapat magpatuloy sa paghahanap ng mga solusyon suliraning kinakaharap ngayon ng mga ordinaryong Pinoy.
Inihalimbawa pa ng kongresista ang pagpapataas sa suplay ng kuryente, pagpaabaa sa mataas na singil ng kuryente, ang mga isyu ng telcos, hindi matatag na presyo ng mga pangunahing bilihin sa halip na political destabilization.
“Ang mga tunay na problema ng karaniwang Pilipino ang dapat nating unahin, ang dapat nating paglaanan ng atensiyon. Isantabi na po ang pamumulitika na wala sa tamang panahon. Kung mas mapagtutuunan natin nang mas maraming oras ang paghahanap ng solusyon sa mga tunay na suliranin ng karaniwang Pilipino, sama-sama tayong babangon muli.
Una rito ay sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa Lakas-NUCD ay may kinalam an diumano sa sinasabing demosyon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo mula sa dating Senior Deputy Speaker at ibinaba sa pagiging Deputy Speaker.
Ayon pa kay Lagman na maaaring kasunod nito ang resignasyon ng mga miembro ng Lakas-NUCD na nananatiling tapat at kaalyado ni GMA.
“The power play and intramurals in Lakas may result to further resignations by Arroyo and Duterte loyalists,” ani Lagman. Meliza Maluntag