MANILA, Philippines- Dumepensa ang Kamara sa legalidad ng pagsasagawa ng hybrid session nitong Lunes ng gabi, kung saan inaprubahan ang ilang panukala, kabilang dito ang reporma sa pension system para sa military and uniformed personnel at ang fiscal regime sa mining industry.
“It’s not a hybrid midnight session. It’s an authorized hybrid session (allowed under the rules) which started at 9 in the morning Monday and ended after midnight,” ani Secretary General Reginald Velasco.
Sinabi ni Velasco na pinayagan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasagawa ng hybrid sessions para sa September 25 at 26, 2023 sessions “to take up urgent priority measures.”
Ito ang naging komento ni Velasco matapos kuwestiyunin ni Kabataan Rep. Raoul Manuel ang pagsasagawa ng sesyon, kung saan hindi kasama ang ilang miyembro ng Kamara.
“Sa ngayon po kasi, tingin ko hindi na aabot ng 30 [members present here]. I would be glad if mali ako, pero nasa 30 na lang po out of 300 plus ang members ng House ang nandito sa ating Session Hall,” aniya.
Ayon kay Manuel, pinapayagan lamang ang hybrid session kapag mayroong “riots or civil disturbances that would warrant us to have hybrid sessions.” RNT/SA