Home NATIONWIDE Kamara magpupulong bilang Committee of the Whole sa pagtalakay sa RBH 7

Kamara magpupulong bilang Committee of the Whole sa pagtalakay sa RBH 7

MANILA, Philippines- Nakatakdang pagdebatehan sa plenaryo ngayong araw ng House of Representatives ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na nagsusulong ng pag-amyenda sa economic provisions sa Saligang Batas.

Sa naging sesyon kahapon ay nagdesisyon ang Kamara na mag-convene bilang Committee of the Whole para agad nang matalakay ang RBH 7.

Sisimulan ang pagtalakay sa resolusyon ng ala-1 ng hapon sa gagawing plenary session.

Ang RBH No.7 na bersyon ng Kamara ay kahalintulad din ng RBH No. 6 na bersyon ng Senado kung saan naglalayong mag-convene ang dalawang kapulungan para sa Constituent Assembly (Con-Ass) upang mabago ang restrictive economic provisions sa 1987 Constitution.

Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na makakamtan ng bansa ang full economic potential nito sa oras na maging bukas na ang bansa sa foreign investments. Gail Mendoza

Previous articleBUWIS BUHAY ANG OPEN PIT MINING
Next articleNGINGISI-NGISI NA LANG SI BIDEN SA GIYERA