Home NATIONWIDE Kamara nagpasa ng resolusyon bilang pakikiramay sa pamilya Ople

Kamara nagpasa ng resolusyon bilang pakikiramay sa pamilya Ople

636
0

MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang ipinasa ng Kamara bilang pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong si Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” V. Ople.

Si Ople ay pumanaw noong Agosto 22 sa edad na 61 anyos, naulila niya ang anak na si Susanne Laurie.

Sa House Resolution (HR) 1226 na pinasa ng Kamara ay kinilala nito ang naging buhay at malaking kontribusyon ni Ople na siyang nagtatag ng Blas F. Ople Policy Center and Training Center, isang non-profit organization na tumutulong at lumalaban sa karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ang resolusyon ay inaksa nina House Speaker Martin Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Majority Leader Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Pinuri ni Romualdez si Ople na naging boses umano ng mga OFW.

“Secretary Ople will forever be remembered for her “great passion, dedication, commitment, and contribution to the welfare and well-being of millions of OFWs and the entire Philippine labor industry,” ani Romualdez.

“Ople dedicated her life to her advocacy for human and labor rights, especially for OFWs,” dagdag pa nito.

Si Ople ay nagtapos ng Communication Arts sa University of Santo Tomas at post-graduate degree sa Public Administration sa Harvard Kennedy School of Government bilang Edward Mason Fellow, siya ay anak ni dating Senate President Blas Ople na kinilala din bilang Father of Overseas Employment.

Bago naging kalihim ng DMW ay nagsilbi itong chief of staff ng Department of Foreign Affairs, communications consultant ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process at consultant ng Office of the Senate President noong 2016.

Nakatanggap ito ng pagkilala sa kanyang mga nagawa hindi lamang sa bansa kundi maging sa international, nag-akda rin ito dalawang libro, ang “Hugs, Not Drugs – A Drug Abuse Prevention Manual” at “Paalis Ka Na Pala – A Guide for First-Time OFWs.” Gail Mendoza

Previous articleGov. Mamba pinagpapaliwanag ng SC kung bakit ‘di dapat parusahan
Next articleAmended Rules of Procedure sa Election Contests sa BSKE, inaprubahan ng SC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here