Home NATIONWIDE Kamara sa int’l community: Piracy sa Red Sea kondenahin!

Kamara sa int’l community: Piracy sa Red Sea kondenahin!

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Kamara ang international communityna tumulong sa ligtas na pagpapalaya sa crew members, kabilang ang 17 Pilipino, na binihag ng Houthi rebels sa Red Sea.

“We call on the international community to join us in condemning this act of piracy and to assist in any way possible to resolve this crisis,” pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Huwebes.

Sinabi niyang “deeply concerned” ang mga mambabatas sa Kamara ukol sa ulat na ito.

“This situation demands our immediate and focused attention,” sinabi niya at iginiit na nakikipag-ugnyan sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inihayag ni Marcos nitong Miyerkules na prayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Batay sa ulat, sinalakay ng mga rebelde na umano’y suportado ng Iran ang isang barko sa pag-aakalang pagmamay-ari ito ng Israel. Subalit, sinabi ng Japanese government na pinangangasiwaan ito ng isa sa mga kompanya nito.

Sinabi ng Israel at Japan na walang Israelis o Japanese sakay ng barko.

Base sa naunang ulat, pinatatakbo ng Iran ang tinatawag na “axis of resistance,” na kinabibilangan ng Houthis, kontra Israel. RNT/SA

Previous articleDekalidad na trabaho isinulong ni Bong Go
Next articlePBA: Pido nakipagsigawan kay import Robinson