Home NATIONWIDE Kamara sinubpoena si Quiboloy

Kamara sinubpoena si Quiboloy

MANILA, Philippines – Nagpalabas na ng subpoena ang House of Representatives laban kay televangelist Apollo Quiboloy kaugnay sa isinasagawang pagdinig sa hiling na tanggalan na ng legislative franchise ang Swara Sug Media Corporation na siyang nago-operate ng Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa mga paglabag nito.

Si Quiboloy ay inatasan na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises sa March 12, 2024, ala 1 ng hapon.

“Please be advised that failure to comply with this Order will constrain the Committee to resort to Section 11 of the Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the House of Representatives on the power of contempt,” nakasaad sa subpoena.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Chair Parañaque Rep. Gus Tambunting ang subpoena laban kay Quiboloy ay bunsod na rin ng makailang beses na pag isnab nito na dumalo sa pagdinig ng komite noong December 5 tlat 11, 2023 gayundin noong February 7, 2024.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, vice chair ng komite, na mahalagang dumalo si Quiboloy sa pagdinig lalo at ito ang syang may ari ng SMNI.

“We deemed it necessary to compel Pastor Quiboloy’s attendance at the next hearing. He is the main actor in this inquiry, and there are numerous questions that demand his clarification, particularly regarding the ownership of Swara Sug,” paliwanag ni Pimentel.

Ang pagbawi sa prangkisa ng SMNI ay bunsod na rin ng mga reklamo sa pagpapalabas nito ng mga fake news. Gail Mendoza

Previous articleP100 legislated wage hike pinapaprayoridad sa Kamara
Next articleTsina, Vietnam sasampahan ng kaso ng Pinas sa cyanide fishing