Home NATIONWIDE Kamara sumaklolo sa mga binahang residente sa Northern Samar

Kamara sumaklolo sa mga binahang residente sa Northern Samar

MANILA, Philippines – Agad na nagkasa ng emergency relief assistance sa libong pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa Northern Samar ang Tingog Partylist at tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.

Nalubog sa baha ang ilang komunidad sa baybayin ng probinsiya dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng low pressure area at shear line nitong Martes, Nobyembre 21.

Batay sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 22,000 na indibidwal mula sa munisipalidad ng Maslog, Arteche, Jipapad, Dolores at Maydolong ang apektado ng pagbaha.

Nitong Martes, nasa 1,838 naman ang naitalang lumikas.

“We are deeply saddened by the damage caused by this natural calamity. We urgently need to get aid to affected families who lost their homes and livelihoods,” pahayag ni Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez.

Nakikipag-ugnayan ang Tingog Partylist sa tanggapan ng Speaker at kanilang district office sa Eastern Visayas upang ihanda ang libu-libong family food packs na naglalaman ng grocery items, inuming tubig, at hygiene kits.

Ang unang batch ay ipinadala na Martes ng hapon at inaasahang masusundan pa.

“Tingog Partylist will continue to monitor the situation in Northern Samar and Eastern Samar. Our office in Tacloban City is on standby to extend all necessary assistance to victims of this flooding,”pahayag namah ni Tingog Partylist Rep Jude Acidre. Gail Mendoza

Previous articlePBBM sa mga Pinoy: Tumulong sa pagpapagaan ng epekto ng climate change
Next articleIn-depth debate sa abortion, anti-discrimination bill, ipinakakasa sa Senado