Home NATIONWIDE Kamara tiniyak na tatalima sa direktiba ni PBBM sa economic Cha-cha

Kamara tiniyak na tatalima sa direktiba ni PBBM sa economic Cha-cha

MANILA, Philippines- Siniguro ni House Ways and Means Committee chair Joey Salceda na tanging economic provisions lamang ang aamyendahan ng Kamara sa Saligang Batas alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.

“The President has made it clear that introducing economic constitutional amendments is urgent and of highest national interest. The House will follow the President, period. So let there be no other ambiguity about it, of the direction of what the House will do,” pahayag ni Salceda.

Sa panig ni House Appropriations Panel senior vice chairperson Stella Quimbo, mahalagang mabago na ang economic restrictions sa Saligang Batas para na rin sa paglago ng foreign direct investments (FDI).

Tinukoy nito ang USD83.5 billion sa gross FDI inflows na magdadala ng dagdag na trabaho, aniya, maisasakatuparan lamang ito kung magkakaroon ng economic amendments. Gail Mendoza

Previous articleLola patay, apo sugatan sa pagtawid
Next articleFood stability sa gitna ng El Niño pinatitiyak ni PBBM  sa DA