Home NATIONWIDE Kamara: Walang pagtatangkang pag-abolish sa Senado

Kamara: Walang pagtatangkang pag-abolish sa Senado

MANILA, Philippines – Walang anumang tangkang i-abolish ang Senado sa isinusulong na constitutional reform.

Ito ang sama samang pagtiyak na ginawa ng mambabatas at ibat ibang partido sa harap na rin ng alingasngas sa pagitan ng Kamara at Senado.

Ayon kina Rizal Rep. Jack Duavit, pinuno ng Nationalist People’s Coalition(NPC) bloc sa Kamara , Bataan Rep. Albert Garcia na secretary general ng National Unity Party(NUP), Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson- Meehan at Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr na sinumang nagsabi na may tangkang alisin ang Senado ay wala sa tamang pag iisip.

Giit ng mga mambabatas ang Kamara ay sumusuporta sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nakabinbin sa Senado na nagsusulong ng pagbabago sa “restrictive” economic provisions sa Saligang Batas

Ang nasabing resolusyon ay inakda nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senators Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.

“With regard to the fears and allegations that the House would want to abolish the Senate, we would just like to let everybody know that as far as our party is concerned, there is no way we will be voting in any form to remove our five senators. And if we are not going to remove our five senators, then the other 19 senators can be assured,”pahayag ni Duavit nang hingan ng reaksyon sa naganap na House party leaders caucus noong Linggo.

Ang 5 senador na kaanib ng NPC ay sina Legarda, Francis Escudero, Lito Lapid, Sherwin Gatchalian at Joseph Victor Ejercito.

Gayundin ang pahayag ni Singson-Meehan.

“To our Senate friends, kasi as part of NPC, we have five senators from NPC, and of course we will never abolish them. So we’re here to commit na hindi po masasama ‘yung mga usapang abolition ng Senate when we do amend the Constitution,” paliwanag ni Meehan.

Nanindigan ang mga mambabatas na ang kanilang sinusuportahan lamang sa gagawing Charter Change ay ang pagbabago sa economic amendments na syang makakatulong sa pagunlad ng bansa

Nilinaw naman ni Gonzales na mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na walang puwang ang political amendments sa isinusulong ng Kamara sa ilalim ng liderato ni House Speaker Martin Romualdez.

“Wala po kaming sinasabi na i-abolish natin ang Senado, guni-guni lang po nila ‘yan. Hindi po ‘yun totoo,” ani Gonzales.

“We will embrace RBH No. 6 because that’s the economic provisions. At ‘yan po ang kailangan ng ating bansa. At si Speaker, palaging sinasabi, we will embrace RBH No. 6 because itoy makakatulong sa ating ekonomya lalo na ating Pangulo,” giit pa nito

Sa panig ni Garcia sinabi nito na ang NUP ay para sa economic reforms na nakatuon para mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

Samantala sa panig ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, mula sa Nacionalista Party (NP), umapela ito ng “sobriety at parliamentary courtesy” sa pagitan ng Kamara at Senado upang matigil na ang palitan ng mga pahayag.

“Let’s work towards achieving what we want to achieve for the country. Economic reforms are the key in achieving the goals and the objectives of our Bagong Pilipinas movement. We pray for their support and we would like to appeal to them to look at the better picture of doing something good for this country,” ani Barbers.

Sinabg ayunan din ito ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na syang pinuno ng Party-List Coalition Foundation.

“On behalf of the party, we would like to urge the senators to support the economic change that we have been proposing in the last four decades. We need a double-digit growth for our country to alleviate the lives of our countrymen. And it’s for the past years already that there’s no innovation that our country has been making on the economic change,” pahayag nito.

Ganito rin ang pahayag ni Camiguin Rep. Jesus Jurdin Romualdo, aniya, napag iiwanan na ang Pilipinas ng mga katabing bansa nito kaya nangangailangan na ang pag aksyon.

“Makikita po na malayo na talaga tayo. With Bagong Pilipinas program, amending the Charter, baka naman, palagi namang sinasabi na walang asenso ang Pilipinas, palagi na lang bitin, palagi ang gutom ang Pilipino. But amending the Charter and I hope our counterparts in the Senate will look into this. Kasi ito lang talaga ang pag-asa ng ating bayan,” pagtatapos pa ni Romualdo. Gail Mendoza

Previous articleKingad nabawian ni Wakamatsu
Next articleHidilyn Diaz nakatuon Paris 2024