Home HOME BANNER STORY Kampanya vs illegal drugs, magpapatuloy – PBBM

Kampanya vs illegal drugs, magpapatuloy – PBBM

MANILA, Philippines – MAGPAPATULOY ang kampanya laban sa illegal na droga subalit gagamit ito ng bagong mukha.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.

“It is now geared towards community-based treatment, rehabilitation, education, and reintegration, to curb drug dependence amongst our affected citizenry,” ayon sa Pangulo.

Noong nakaraang taon aniya, inilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA program at nagtatag ng karagdagang 102 Balay Silangan Reformation Centers sa buong bansa.

“We will relentlessly continue our fight against drug syndicates, shutting down their illegal activities and dismantling their network of operations,” anito.

Nakahanda naman aniya niyang tanggapin ang pagbibitiw sa pwesto o tungkulin ng mga “unscrupulous law enforcers” at iba pang sangkot sa “highly nefarious drug trade” na nalantad.

Sa posisyon ng mga ito, magtatalaga aniya siya ng mga indibiduwal na may unquestionable integrity o hindi mapag-aalinlanganang integridad, na epektibo at mapagkakatiwalaan na humawak ng tungkulin na alisin ang “dreaded and corrosive social curse.”

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na hindi nila kukunsintihin ang korapsyon sa gobyerno. Kris Jose

Previous articleInternational airport sa Bulacan, target paganahin sa pagtatapos ng PBBM admin
Next articleEdukasyon, food security at economic growth, higit na tutukan ni PBBM – solon