Home ENTERTAINMENT Kampo ni Gabo, nagtataka sa paratang ni Sharon!

Kampo ni Gabo, nagtataka sa paratang ni Sharon!

Manila, Philippines – “Si Val, si Val, si Val na lang na walang malay!”

Who’d ever forget this iconic line delivered by Vilma Santos in a 90s movie with Tonton Gutierrez?

Kung pahihintulutang hiramin ng kanyang mga fans, the line will sound: “Si Gabby, si Gabby, si Gabby na lang palagi ang sinisisi!”

Eto nga ang hinaing ng mga tagahanga ni Gabby Concepcion sa hanash ng dating ka-loveteam na si Sharon Cuneta.

At a recent mediacon, inamin ng Megastar na ang supposed Valentine concert nila ni Gabby ay hindi natuloy.

Titled P. S. I Love You, ito rin ang pamagat ng kanilang blockbuster movie noon.

Ayon kay Sharon, nanghihinayang siya na hindi ‘yon natuloy to think kasado na ang lahat.

“Paghuhugas-kamay” ni Sharon: “It wasn’t my fault!”

Kinuwestyon naman ng kampo ni Gabby kung paanong nangyari ‘yon?

For sure, maging ang manager ng aktor na si Popoy Caritativo ay nagtataka rin.

Bakit nga naman si Gabby nang si Gabby ang sinisisi ni Sharon sa tuwing nagkakaroon ng aberya ang mga proyektong magkasama sila?

Gabby’s fans can’t wait to hear their idol’s version of the story.

Unfair naman daw kay Gabby na hindi marinig ng mga ito ang kanyang side.

Come to think of it, kung live concert din lang ang pag-uusapan in which Gabby is a performer, bakit ‘yung sa kanila nina Christopher de Leon at Ai Ai de las Alas ay wala namang isyu laban sa aktor?

Sa katunayan, mabilis pa nga ang naging negosasyon in getting Gabby to perform.

Pero ang tanong: magsalita naman kaya si Gabby para depensahan ang kanyang sarili?

O, nasanay na rin ang aktor sa walang humpay na kakukuda ni Sharon?

What’s new? Ronnie Carrasco III

Previous article17 paslit sapul ng pertussis sa Pasig City; 2 patay
Next articleMas malaking diskwento para sa seniors, PWDs kasado sa sunod na linggo