Home HOME BANNER STORY Kampo ni Teves naghain ng mosyon vs 2019 killings charges

Kampo ni Teves naghain ng mosyon vs 2019 killings charges

301
0

MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon ang kampo ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nitong Martes, Mayo 23, para ibasura ang mga kasong inihain laban sa akusado sa di-umano ay pangunguna sa mga pagpatay sa Negros Oriental noong 2019.

“Pino-point out po namin na ayon po sa mga ebidensyang sinumite dito sa 2019 alleged murders ay isang tao po lamang ang nag tuturo kay Cong. Teves,” sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves sa ambush interview.

Ayon kay Topacio, tanging nananatili lamang sa confessor ang salaysay nito at hindi kapani-paniwala kung walang suportang ebidensya.

“The easiest thing to do in the world ay mag turo… but without corroboration ay hindi po kapanipaniwala ‘yun kasi ang dali mag turo,” aniya.

“So sana. Sana ha. I hope na hindi maimpluwensyahan ‘yung mga prosecutors natin nung mga pronouncements na paulit-ulit na ginagawa, sinasabi ni kuya Boying na guilty na agad si Congressman Teves,” sinabi pa ni Topacio.

“I still have faith [that] the DOJ is made up of prosecutors who are career officers and I hope that they will prove faithful to their duty to dispense justice without fear or favor,” pagpapatuloy nito.

Ani Topacio, dapat ding makasuhan ang witness dahil sa pag-amin nito na nagsilbing lookout sa pagpatay at pagiging drayber pa.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Toby Diokno, legal counsel ni Hannah Mae Oray, sekretarya ni Teves, na nagpasa na sila ng mosyon para ibasura ang kaso.

Sinabi ni Diokno na nagpasa na rin ng kanilang counter affidavit ang iba pang respondent sa kaso kabilang na si Rolando Pinili.

“Pag nabasa niyo ‘yung complaint talagang sweeping and general statements lang. Wala ka talaga masasagot eh. Wala ho ‘yung kanilang kwento. Talagang— siguro para kay Pinili isang sentence lang tsaka kay Soberano [Oray] isang sentence lang siguro. Parang malabo ‘yung kanilang charges,” aniya.

Ayon kay Diokno, binigyan na ang CIDG ng 10 araw para maghain ng kanilang tugon. RNT/JGC

Previous articlePinakamatandang political prisoner, pakawalan na – grupo
Next articleWalang iregularidad sa “Sugar Fiasco 2.0” import order- Bersamin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here