Home NATIONWIDE Kampo ni Teves, posibleng nasa likod ng ‘recantation’ ng mga suspek –...

Kampo ni Teves, posibleng nasa likod ng ‘recantation’ ng mga suspek – DOJ spox

191
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Department of Justice spokesperson Mico Clavano na posibleng ang kampo ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang nasa likod ng pagbawi ng testimonya ng mga suspek sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Iginiit ni Clavano na solido pa rin ang mga kaso laban sa mga suspek sa kabila ng pagbawi nila sa kanilang salaysay.

“Siguro ang basa ko dito, play lamang ito ng kabila para sirain yung kaso. Pero sa amin naman, dahil in-anticipate namin ito, ay sa tingin ko naman solid pa rin yung kaso,” paliwanag ni Clavano.

Aniya, kahit hindi binawi ang mga pahayag, mayroon mga ebidensya na magpapalakas sa nauna nilang testimonya.
Advertisement

Sa alegasyong tinorture ang mga suspek, sinabi ni Clavano na batay sa kanilang intelligence at ground information, walang ganitong pangyayari.

“So why would the DOJ or the PNP subject them to any sort of maltreatment? Kailangan ho maging cooperative sila, kailangan maganda yung kalagayan nila para maging free wiling or voluntary po yung mga sinasabi nila,” aniya.

Inilahad din ni Clavano na ililipat ang 11 suspek sa ibang detention facility dahil sa isasagawang demolisyon sa National Bureau of Investigation custodial center. RNT/SA

Previous articleMga batang Pinoy, swak sa mga pinakaapektado sa climate hazards
Next articleNCCA bubuo ng task force para sa pagsasaayos ng Manila Central Post Office

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here