Home NATIONWIDE Kandidatong anti-China waging Presidente sa Taiwan

Kandidatong anti-China waging Presidente sa Taiwan

TAIPEI – Idineklarang panalo sa pagka-Pangulo si dating Taiwan Vice President William Lai Ching-te na kilalang kontra sa China at pabor sa pagsasarili ng Taiwan bilang isang bansa at hiwalay sa China.

Katatapos lang ang halang mahigpit na binabantayan ng China at maging ng United States.

Agad na sumuko sa laban si Hou Yu-ih, Kuomintang party (KMT) at binati nito agad si Lai habang wala pang reaksyon ang pangatlong kandidatong si Ko Wen-je, ng Taiwan People’s Party.

Nakapaloob si Lai sa Democratic Progressive Party na namamayaning partido pulitikal sa Taiwan at pumapalag sa kagustuhan ng China na sakupin ito, kahit pa sa marahas na paraan.

Inaasahan na ring madodomina ng DPP ang 113 na pwesto sa Kongreso ng Taiwan. Fred Cabalbag

Previous articleBoeing plan nagkabitak sa cockpit, bumalik sa airport
Next articleHalos 900 druglord, sindikatong kriminal inaresto sa Ecuador