Home NATIONWIDE Kanlaon bakwits nasa 4,000 pa

Kanlaon bakwits nasa 4,000 pa

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes, Hunyo 10 na nasa 4,000 indibidwal pa rin ang nananatili sa walong evacuation center sa Negros Occidental at Negros Oriental matapos pumutok ang Kanlaon Volcano noong Hunyo 3.

Nang sumabog ang bulkan ay binuksan ang 21 na evacuation centers pero bumaba na lang ito sa anim kabilang ang sa La Castellana, Negros Occidental, at dalawa sa Canlaon City, Negros Oriental.

Ang mga evacuation center ay kasalukuyang nagsisilbi sa 1,260 pamilya o 4,391 katao.

Samantala, 79 na pamilya, o 361 katao ang naghahanap ng pansamantalang tirahan kasama ng mga kamag-anak o kaibigan.

Ayon sa DSWD, 1,339 pamilya o 4,752 indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

Idinagdag nito na ang mga apektadong pamilya ay nakatanggap ng humigit-kumulang P8.5 milyon na tulong, na kinabibilangan ng P4.77 milyon mula sa DSWD, P1.25 milyon mula sa mga local government units, P2.49 milyon mula sa non-government organizations, at P47,000 mula sa iba pang mga katuwang. .

Sa kasalukuyan, ang DSWD Central Office (P1.25 bilyon), DSWD field offices sa Regions VI at VII (P10 milyon), at iba pang DSWD field offices (P55.29 milyon) ay mayroong standby funds na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 bilyon.

Mayroon ding humigit-kumulang 120,000 food packs na available sa DSWD field offices sa Regions VI at VII para sa mga apektado ng pagsabog.

Ang National Resource Operations Center sa Pasay City ay mayroon ding nasa 177,000 family food packs na nasa kamay, gayundin ang Visayas Disaster Response Resource Center sa Mandaue City, na mayroong 86,000. RNT