Home METRO Kano arestado sa tangkang panghihipo

Kano arestado sa tangkang panghihipo

MANILA, Philippines- Dinakip ang isang Amerikano sa  Bonifacio Global City sa Taguig nitong Sabado at nahaharap sa reklamong umano’y tangkang panghihipo sa isang babae sa isang bar sa nasabing lugar.

Sinabi ng mga pulis na nakaupo ang suspek ilang pulgada lamang ang layo mula sa isang babae na nagpapahinga sa bar dakong alas-3 ng madaling araw.

Anang baiktima, nakita niya ang kanang kamay ng suspek na papalapit sa kanya.

“Nakita ko na siya na like sinusunggaban niya ako na hinawakan na niya ako dito sa may pwet ko tapos hanggang hita ko,” paglalahad niya.

Dahil dito, sinabi ng babae sa kanyang kasintahan ang nangyari.

Kinompronta naman ng kanyang kasintahan ang Amerikano at sumangguni sa mga pulis, na nagdala sa suspek sa presinto.

Sinabi ni na nanlaban ang suspek sa umarestong pulis.

“Actually, sir, resistant siya. Itinatanggi niya nga. Ininsist niya na sayawan yun hindi sinasadya yung pagkakataon,” wika ni Patrolwoman Charlene Flores, isang motorcycle patroller sa Fort Bonifacio sub-station 1. 

Itinanggi ng suspek ang mga alegasyon.

“This is all one big misunderstanding. Just look at the girl. You think I’ll want to touch her? Like, what the heck,” giit ng suspek.

“You think I wanna touch? That is disgusting. Like it’s one big misunderstanding. They are trying to get money out of me. They are trying to ruin my name and I did not do this, I’m from America, I’m a good man,” patuloy niya.

“I’m an EMT working with the paramedics. I’m a good person these people are just desperate.”

Kasalukuyan siyang nakaditeme sa Fort Bonifacio Sub-Station 1 custodial facility at mahaharap sa kasong acts of lasciviousness. RNT/SA

Previous article17 Chinese nationals kalaboso sa cyber sex!
Next articlePubliko pinag-iingat sa debris ng China space rocket na inaasahang babagsak malapit sa Ilocos Norte, Cagayan