Home METRO Kano kulong sa bomb joke sa Laguindingan Airport

Kano kulong sa bomb joke sa Laguindingan Airport

MANILA, Philippines – Kulong ang isang Amerikano matapos gumawa ng bomb joke sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental.

Sa isang pahayag, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tumayo ang lalaki upang kunin ang kanyang bagahe habang papababa ang eroplano at sinabing “I can shoot you all, and I can trigger the bomb.”

Galing sa Mactan-Cebu ang kanyang flight DG 6723, at may lulan na 73 pasahero.

Sinuri ng Aviation Security Unit ng Philippine National Police at CAAP Security and Intelligence Unit ang eroplano at ang mga bag ng lahat ng mga pasahero, at walang nakitang palatandaan ng bomba.

Nakakulong ang suspek sa Laguindingan Airport at mahaharap sa kaso.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727 ang mga bomb joke na may parusang pagkakakulong na hindi hihigit sa 5 taon, o multang hindi hihigit sa apatnapung P40,000. RNT

Previous articlePubliko binalaan ng UP School of Statistics vs ‘Kalye surveys’
Next articleAño sa Tsina: Maritime security target ng PH-US air patrols, ‘di gulo