Home NATIONWIDE Kanselasyon ng birth certificate ni Alice Guo binubusisi ng OSG

Kanselasyon ng birth certificate ni Alice Guo binubusisi ng OSG

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan nang Office of the Solicitor General (OSG) ang posibleng kanselasyon ng birth certificate ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa Senate hearing nitong Miyerkules, nadiskubreng ibang “Alice Leal Guo” ang nasa database ng National Bureau of Investigation (NBI).

Inirekomenda na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanselasyon ng birth certificate ng suspendidong alkalde.

“We are seriously considering PSA’s recommendation to file a petition for the cancellation of Mayor Guo’s birth certificate,” pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra.

Aniya, kabilang ito sa legal actions na pinag-aaralan ng OSG, na hindi umano niya maaaring isapubliko.

Lumikha na ang OSG ng team na magsasagawa ng imbestigasyon kay Guo.

Nakikipag-ugnayan ang team sa iba’t ibang government agencies upang kumalap ng impormasyon ukol sa Bamban mayor.

Iniimbestigahan si Guo matapos madawit ang kanyang pangalan sa Philippine Offshore Gaming Operator hub sa Tarlac na pinaniniwalaang sangkot sa mga ilegal na aktibidad. RNT/SA