Home ENTERTAINMENT Kanta ng NewJeans, IVE pumalo ng 300M streams sa Spotify!

Kanta ng NewJeans, IVE pumalo ng 300M streams sa Spotify!

SOUTH KOREA – Kapwa pumalo sa 300 million streams sa Spotify ang kanta ng NewJeans na “Super Shy” at “After LIKE” ng IVE.

Ang achievement ng NewJeans sa naturang awitin ay matapos lamang ang 108 araw mula nang ilabas nila ito, dahilan para ituring ang “Super Shy” na pinakamabilis na awit ng grupo na makakuha ng “record-breaking number.”

To be exact ay nakakuha ng 301,065,169 streams sa Spotify ang “Super Shy” na bahagi ng second mini album ng grupo na ‘Get Up.’

Dagdag pa, nakuha rin ng naturang awitin ang pinakamataas na ranking sa mga kanta ng NewJean sa Spotify Chart, matapos na makuha ang ika-4 at ika-9 na pwesto sa Spotify Global at US Daily top songs.

Samantala, maliban sa “After LIKE” ng IVE na pumalo sa 300 million streams, nakakuha naman ng 260 million streams ang awitin ng grupo na “ELEVEN.”

Katulad ng awitin ng NewJeans, pumasok din ang “After LIKE” ng IVE sa Spotify USA daily chart na tagumpay nito mula nang mag-debut noong 2021.

Ang “After LIKE” ay isang reimagined version ng 1980 hit na ‘I Will Survive.’ RNT/JGC

Previous article‘Baddie’ ng IVE namayagpag sa SHOW CHAMPION! #Baddie1stWin
Next articleHalos P1M shabu narekober sa Quezon