Home HOME BANNER STORY Kapag lumagpas sa economic provision sa Cha-cha, Zubiri magbibitiw bilang SP

Kapag lumagpas sa economic provision sa Cha-cha, Zubiri magbibitiw bilang SP

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kanyang pagbibitiw bilang Senate President kapag lumambas sa economic provision ng 1987 Constitution ang babaguhin ng Kongreso alinsunod sa iniutos ng Palasyo.

Ganito ang tugon ni Zubiri sa kabila-kabilang pagbatikos ng minorya sa Senado at ilang netizens matapos itong pumayag sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na rebyuhin ang economic provision ng 1987 Constitution.

“What I said last night is exactly what came out. All the senators I had spoken to and met with only agree to economic amendments and that’s why the public need not fear our push for simple but meaningful amendments to the Charter,” ayon kay Zubiri.

“I will risk my leadership on that. No other motives whatsoever,” giit niya.

Naunang inihain ni Zubiri na nilagdaan ni Senate President Pro-tempore Loren Legard ang  Resolution of Both Houses No. 6, na nagpapanukalang amyendahan ang ilang  economic provisions ng 1987 Constitution.

Kabilang dito ang reporma sa Public Services Act, education, at advertising industry sa pamamagitan ng pagdadagdag ng pariralang “unless otherwise provided by law.”

Nakatakda sa   RBH 6 ni Zubiri, lahat ng miyembro ng Kongerso, ang pagaamyenda sa 1987 Constitutions sa pamamagitan ng constitutional assembly (Con-Ass) saka iraratipika ng mamamayan sa pamamagitan ng plebisito.

Naunang kinuwestiyon nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pangunguna ni Zubiri sa pagsusulong ng charter change matapos ang pulong nito sa Palasyo noong Enero 9 at 11.  Ernie Reyes

Previous articlePagtanggap ng signature forms sa Cha-cha parte ng trabaho ng Comelec
Next articlePinas, Tsina hangad na mapagaan tensyon sa South China Sea