Kapag nabigyan ng lisensya: ABS-CBN, hihingan ng tulong ng gobyerno sa pagsulong ng ‘distance learning’ sa mga estudyante

Kapag nabigyan ng lisensya: ABS-CBN, hihingan ng tulong ng gobyerno sa pagsulong ng ‘distance learning’ sa mga estudyante

May 28, 2020 @ 6:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maaaring i-tapped ang ABS -CBN Corp para sa pagsusulong ng distance learning ng pamahaalaan kung sakali’t nabigyan ng lsiensya at magbalik on air ang media network kapag nagsimula na ang bagong school year sa Agosto.

Tinitingnaan ng pamahalaan na makipag-collaborate sa media outlets para sa distance learning sa pamamagitan ng radio, television, at online platforms para sa school year 2020-2021, bilang ang physical classes ay dini-discouraged dahil sa COVID-19 risk.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng private media companies, kabilang na ang ABS-CBN, ay maaaring i- tapped para tumulong sa education efforts ng pamahalaan habang ang coronavirus crisis ay nagpapatuloy.

“Lahat po ng private companies na media ay pupwede i-tap po,” ayon kay Sec. Roque

“If ABS-CBN can come back on the air, I’m sure, as a way of showing their commitment to the Filipino people, that they will allow their broadcast to be used for educational purposes,” aniya pa rin.

Sinabi ng ABS-CBN na bubuo sila ng team na lilikha ng educational at child development programs sa panahon ng COVID-19 crisis.

Ang Philippines’ largest media network ay lumikha ng team “that would focus solely on how to use our media assets for education and child development,” ang naging pahayag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa Senate Committee on Public Services.

“Absolutely, we are willing to help the government in creating an educational program under the new normal,” aniya pa rin, makaraang tanungin ni Sen. Francis Tolentino ang network kung handang magpartisipa sa ginagawang pagsusulong ng pamahalaan na i-ere ang ilang aralin sa radyo at telebisyon habang ang mga estudyante ay pinagbabawalan mula sa pisikal na pagpasok sa eskuwelahan.

Ang ABS-CBN ay nag-off-air noong May 5 makaraang ipag-utos ng National Telecommunications Commission ang “cease and desist” mula sa pagbo- broadcast.

Ang prangkisa ng kompanya ay napaso na noong Mayo 4. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...