MANILA, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senador Sonny Angara ang dumaraming reklamo ng kapatid na Muslim na lumalahok sa taunang Hajj laban sa National Council on Muslim Filipinos.
Sa pahayag, sinabi ni Angara na nararapat lamang maimbestigahan ang reklamo laban sa pamamahala at iba pang serbisyong ibinibigay ng NCMF sa kapatid na Muslim upang makalikha ng pangmatagalang solusyon at maging maayos ang hinaharap na pilgrimages.
Ayon kay Angara, layunin ng Senate Resolution Number 768 na imbestigahan ang ilang ulat hinggil sa insidente sa pamamahala ng 2023 Hajj na maaaring ipalutang sa gaganaping pagdiig ng panukalang badyet ng Department of Interior and Local Government, na may sakop sa NCMF.
Napilitan si Angara na ihain ang resolusyon matapos makatanggap ang kanyang opisina ng ilang reklamo sa hindi makatuwirang pagtrato na natatanggap ng Muslim pilgrims sa Hajj mula sa NCMH sa pamamagitan ng Bureau of Pilgrimage and Endowment.
“Based on the accounts of Muslim Filipino pilgrims, most notably Vice Governor Abdusakur Tan II of Sulu, they experienced poor delivery of service from the BPE during their 2023 pilgrimage to Mecca, which includes limited transport buses leading to overcrowding, safety risks, and exposure to extreme heat; densely packed and low-quality accommodations; limited cooling systems in tents despite the heat; insufficient, repetitive, and nutritiously deficient food; and the lack of prepared food for pilgrims on some days,” ayon sa resolusyon ni Angara.
Iniulat ng nagreklamo na may ilang BPE officer-in-charge ang naninirahan sa mararangyang five-star hotel sa panahon ng pilgrimage habang puro kapalpakan ang pagbibigay ng serbisyo ng NCMF top officials at staff upang tulungan ang Filipino pilgrims.
“Hindi lang ngayon na nagkaroon ng mga ganitong klaseng reklamo mula sa mga kapatid natin na Muslim na pinaghandaan ng matagal na panahon ang paglahok sa isa sa pinakaimportanteng pillars ng Islam na ang Hajj. Nararapat lang na mahanapan natin ng solusyon ang mga problemang naranasan nila sa Hajj para maging mas maganda ang karanasan ng mga na dadalo sa Hajj sa susunod na mga taon,” ayon kay Angara.
Noong Hunyo 23, 2023, mahigit 7,000 pilgrims ang nagtungo sa Mecca sa Kingdom of Saudi Arabia upang lumahok sa annual Hajj.
“The Hajj takes place during the same period each year – during the month of Dhul Hijjah, the 12th month in the Islamic Calendar. Hajj begins on the 8th of Dhul Hijjah and lasts until the 13th of Dhul Hijjah,” paliwanag ni Angara.
“Pursuant to Section 8(q) of Republic Act No. 9997 or the National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009, the NCMF through the BPE, is mandated to oversee the annual Hajj for Muslim Filipinos residing in the Philippines,” banggit ng senador sa resolusyon.
Kabilang dito ang paglikha ng kaukulang rules and regulations at koordinasyon sa mahahalagang tanggapan upang matiyak na matagumpay ang event.
“The Hajj is sacred to all Muslims and is something that every adult Muslim must undergo at least once in a lifetime. It is our obligation to ensure that the arrangements for their pilgrimage are handled properly so that they can focus on the practice of their faith and not be distracted by circumstances that could easily be avoided with proper planning and commitment by all those concerned,” ayon kay Angara. Ernie Reyes