Home NATIONWIDE Kapartido ni Teves sa expulsion ng suspendidong solon: Patas lang

Kapartido ni Teves sa expulsion ng suspendidong solon: Patas lang

MANILA, Philippines- Kahit pa kapartido ng sinibak na si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ay naniniwalang patas ang proceedings na nagresulta sa pagkakatanggal niya, at sinabing kailangang ng mga mambabatas sa kanilang trabaho.

Sa panayam nitong Miyerkules, inilahad ni Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit na mayroon nang mga mungkahi na alisin si Teves sa Kamara noon pa man, subalit ipinagpaliban ito sa pag-asang dadalo ang mambabatas sa proceedings.

Kapwa miyembro sina Duavit at Teves ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

“I think that yeah, I believe they were fair.  Makikita naman do’n sa body eh, in the wording.  I think it was fair, I think they took enough time,” sabi ni Duavit. “I know there were moves to expel him much earlier but they deferred that a number of times.  And basically Cong. Arnie was given every opportunity to come home.”

“The issue here is really, you cannot just be absent without leave indefinitely.  And that is actually what the body voted on today — alam naman po natin na we took our oaths, meron naman kaming mga ano, we don’t do this for free, we do this for the Filipino people, may sweldo yan […] ‘pag tinawag, ‘pag kailangan ka, ‘pag dapat ka magtrabaho, pumunta ka,” dagdag niya.

Nilinaw niya na hindi lamang ang mga miyembro ng NPC sa Kamara ang nais na ipagpaliban ang expulsion, at sinabing nais din ng ibang mambabatas na hintayin ang posibilidad ng pag-uwi ni Teves. 

“Well it’s, I guess so, but it wasn’t just us.  There were individual members, and there were concerns of course na are we doing this too fast, or are we doing it correctly?” aniya.

“Kasi you know this is the first time this happened. And history will judge this, and they won’t be judging what we’re saying here in the press.  They’ll be judging the document.  This is what’s going to stand the test of time,” patuloy ng mambabatas. RNT/SA

Previous articleJanice, nagpaliwanag sa pagkakasibak sa BQ!
Next articleBatikang kolumnista dinampot ng NBI