Home ENTERTAINMENT Kapatid ni Ethel, inilaglag ang Family Feud!

Kapatid ni Ethel, inilaglag ang Family Feud!

469
0

Manila, Philippines- Ang pinakamatindi na yatang resbak ni Ethel Booba sa game show na kinansela nang makalawang beses ang guesting niya ay ang post niyang: “Itigil n’yo na ang game show n’yo!”

Inilahad ni Ethel ang pinanggagalingan ng kanyang pagkadismaya.

May kinalaman ito sa dalawang beses nang ‘di pagkakatuloy ng guesting niya.

Pero ang pinagngingitngit ni Ethel ay ang ginastusan niyang plane ticket, na twice ring nangyari.

Mabuti raw sana kung ini-refund ng ‘di niya pinangalanang game show ang ipinambili niya niyon, kaso’y hindi.

All throughout ng kanyang hanash sa social media, ni clue kung saang channel o host ng game show ay walang ibinibigay si Ethel.

Baka ayaw raw ng singer-comedienne na siraan nang todo-todo ang programa.

Baka rin daw napangakuan na si Ethel na isang episode kung saan wala nang aberya sa kanyang guesting.

Dahil idinaan nga ni Ethel sa blind item ang karanasan niya kung kaya’t kanya-kanyang hula ang mga netizen.

‘Yun nga lang, hindi na pinasakit ng kapatid ni Ethel ang ulo ng mga humuhulang netizen.

Post kasi ni Virnard Gabison: “Danyos perwisyos na ‘yang ginagawa sa iyo. Unprofessional talaga ang staff ng show ni Dingdong!”

Sapul!

Du’n lang napagtanto ng mga netizens na ang tinutukoy palang show ni Ethel ay si Dingdong ang host.

Dalawang programa sa GMA ang hino-host ni Dingdong: Amazing Earth at Family Feud.

Alangan namang Amazing Earth dahil tungkol ito sa mga hayop!

Bukas ang Remate Online sa panig ng sinumang taga-Family Feud na magkakaroon ng season break ilang linggo mula ngayon. Ronnie Carrasco III

Previous articleCPC ng may-ari ng MT Princess Empress binawi ng Marina
Next articleMalalaking lawa, reservoirs sa mundo natutuyo na – study

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here